Paglikha ng Account at Username

Ang Instagram ay isang mobile app na maaari mong i-download sa iOS at Android na mga telepono at tablet pati rin sa Windows Phone 8 at pataas. Maaari mong makita ang iyong mga post sa Instagram mula sa isang computer pagkatapos i-download ang app.

Para simulang gamitin ang Instagram:

  1. I-download ang Instagram app para sa Apple iOS mula sa App Store, Android mula sa Google Play Store o Windows Phone mula Windows Phone Store.
  2. Kapag naka-install na ang app, i-tap ang para buksan ito.
  3. I-tap ang Magrehistro gamit ang Email (Register with Email) para mag-sign up gamit ang iyong email address o Magrehistro gamit ang Facebook (Register with Facebook) para mag-sign up gamit ang iyong Facebook account.
  4. Kapag magrerehistro ka gamit ang email, gumawa ng username at password, punan ang impormasyon sa iyong profile at pagkatapos i-tap ang Tapos na (Done). Kung magrerehistro ka gamit ang Facebook, hihilingin sa iyong mag-sign in sa iyong Facebook account kung kasalukuyan kang naka-log out.

Matutunan kung paano kumuha ng litrato, mag-record ng video at i-explore ang Instagram.

Nakatulong ba itong kasagutan?
Para ma-update ang iyong impormasyon sa profile:
  1. Pumunta sa iyong profile sa pamamagitan ng pag-tap sa sa Android o sa iPhone at Windows Phone
  2. I-tap ang I-edit ang Iyong Profile (Edit Your Profile)
  3. I-type ang bago mong pangalan, username, website o bio at pagkatapos i-tap ang Done (iPhone), Save (Android) o ang check mark (Windows Phone)
Maaari mo rin ma-update ang iyong impormasyon mula sa iyong profile sa web.
Nakatulong ba itong kasagutan?

Kung ang gusto mong username ay ginagamit ng isang account na mukhang hindi aktibo, dapat mong isaalang-alang na pumili ng isang magagamit na bersyon ng username para gamitin sa Instagram. Iminumungkahi namin ang pagdagdag ng mga tuldok, numero, underscore, o daglat para tulungan kang makabuo ng isang magandang magagamit na username.

Kung ang gusto mong username ay hindi kasalukuyang nauugnay sa anumang account, magagamit ito para magparehistro. Kung gusto mong palitan ang kasalukuyang username sa iyong account, maaari mong i-edit ang iyong profile.

Nakatulong ba itong kasagutan?
Hinihikayat namin ang mga tao na aktibong mag-log in at gamitin ang Instagram kapag gumawa sila ng account. Para panatilihing aktibo ang isang account, tiyakin na mag-log in at magbahagi ng mga litrato, pati rin ang gustuhin o magkomento sa mga litrato. Maaaring permanenteng alisin ang mga account dahil matagal na itong hindi aktibo, kaya mangyaring gamitin ang iyong account kapag nag-sign up ka!
Nakatulong ba itong kasagutan?

Ang mga paglabag sa trademark ay maaaring kasangkutan ng paggamit sa pangalan ng kumpanya o negosyo, logo o ibang mga materyales na protektado ng trademark sa isang paraan na maaaring luminlang o lituhin ang iba hinggil sa tatak nito o pagiging kaanib sa negosyo.

Ano ang hindi paglabag?

Ang paggamit sa trademark ng iba sa isang paraan na walang kinalaman sa produkto o serbisyo na pinaglaanan ng trademark ay hindi isang paglabag sa patakaran ng Instagram sa trademark. Tandaan na ibinibigay ang mga username ng Instagram sa first-come, first-served na basehan at hindi maaaring ireserba.

Paano ko iuulat ang isang paglabag sa trademark?

Alamin pa ang tungkol sa ibang mga uri ng paglabag sa trademark o magsumite ng ulat ng isang username na lumalabag sa iyong trademark.
Nakatulong ba itong kasagutan?