Pagkontrol sa Iyong Pagiging Nakikita

Pag-set sa Iyong Mga Litrato at Video sa Pribado

Bilang default, maaaring makita ng sinuman ang iyong profile at mga post sa Instagram. Maaari mong gawing pribado ang iyong mga post sa Instagram app para mga aprubadong tagasubaybay lang ang makakakita sa mga ito. Sa ngayon ang mga post ay hindi maaaring ma-set sa pribado mula sa isang desktop computer.

Para i-set ang iyong mga post sa pribado:

iOS

  1. Pumunta sa iyong profile sa pamamagitan ng pag-tap sa sa ibabang kanan ng app.
  2. I-tap ang I-edit ang Iyong Profile (Edit Your Profile) na katabi ng iyong litrato sa profile.
  3. I-on ang setting ng Pribado ang Mga Post (Posts are Private) at pagkatapos i-tap ang Tapos na (Done).

Windows Phone

  1. Pumunta sa iyong profile sa pamamagitan ng pag-tap sa sa itaas na kanan ng app.
  2. I-tap ang I-edit ang Profile (Edit Profile) na katabi ng iyong litrato sa profile.
  3. I-on ang setting ng Pribado ang Mga Post (Posts are Private) at pagkatapos i-tap ang check mark para i-save ang iyong mga binago.

Android

  1. Pumunta sa iyong profile sa pamamagitan ng pag-tap sa .
  2. I-tap ang I-edit ang Iyong Profile (Edit Your Profile) na katabi ng iyong litrato sa profile.
  3. I-on ang setting ng Pribado ang Mga Post (Posts are Private) at pagkatapos i-tap ang check mark sa itaas na kanan para i-save ang iyong mga binago.

Mga bagay na dapat tandaan tungkol sa mga pribadong post:

  • Ang mga pribadong post na ibinabahagi mo sa mga social network ay maaaring makita ng publiko depende sa mga setting sa pagkapribado para sa network na iyon. Halimbawa, ang post na ibinabahagi mo sa Twitter na naka-set sa pribado sa Instagram ay maaaring makita ng mga tao na makikita ang iyong mga post sa Twitter.
  • Kapag ginawa mong pribado ang mga post mo, kakailanganing magpadala sa iyo ng mga tao ng isang kahilingan sa pagsubaybay kung gusto nilang makita ang mga post mo, ang listahan ng iyong mga tagasubaybay o ang listahan ng mga sinusubaybayan mo.
  • Makikita mo ang mga kahilingan sa iyong News tab na maaari mong aprubahan o balewalain.
  • Maaaring direktang magpadala ng litrato o video sa iyo ang mga tao kahit na hindi ka nila sinusubaybayan.
Nakatulong ba itong kasagutan?

Tungkol sa Pagkapribado sa Instagram

Ang isang tao na nag-set ng kanilang profile sa pribado ay makakapagdagdag ng mga hashtag sa mga litrato at video, pero ang pribadong user at ang kanilang mga inaprubahang tagasubaybay lang o ang mga tao na kanilang pinadalhan ng mga litrato o video sa Instagram Direct ang makakakita sa litratong iyon sa pahina ng hashtag. Ang mga pribadong litrato o video, kahit na naka-hash tag, ay hindi makikita ng publiko.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Kung mayroon kang pribadong profile, makikita ng mga inaprubahan mong tagasubaybay ang mga paggusto sa mga post mo. Hindi lalabas ang mga paggusto na ito sa Mga Balita (News) > feed para sa Sinusubaybayan (Following).

Ang mga paggusto sa mga post na ipinadala sa mga tao sa Instagram Direct ay hindi rin lalabas sa Mga Balita (News)> feed para sa Sinusubaybayan (Following). Ang mga taong direkta mong pinadalhan ng mga post ay makikita ang mga paggusto ng isa't-isa sa post na iyon kahit na hindi nila sinusubaybayan ang isa't-isa.

Kung mayroon kang pribadong profile at gugustuhin ang isang pampublikong post ng isang tao, makikita ng publiko ang paggusto mo at maaaring i-click ang username mo sa ilalim ng post, pero mga inaprubahang tagasubaybay lang ang makakakita ng mga litrato o video mo.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Kung i-a-@ mention ng isang taong may pribadong profile ang isang tao na hindi isang aprubadong tagasubaybay sa isa sa kanilang mga litrato o video, makikita ng binanggit na tao ang bahagi ng komento seksyon ng Mga Balita (News) ng iyong News. Maaari silang makakuha ng isang push notification (kung naka-on ang mga setting ng kanilang abiso), pero hindi makakapag-navigate sa pribadong litrato o video.

Kung mag-iiwan ng komento ang isang tao na may pribadong profile sa isang litrato na in-upload ng isang pampublikong Instagrammer, makikita ang kanilang komento at maaaring i-click ang kanilang username sa ibaba ng litratong iyon.

Kung magpapadala ka ng isang litrato o video sa partikular na grupo ng mga tao sa Instagram Direct, ang mga taong iyon lang ang makakakita sa mga komento o mga @ mention na nauugnay sa litrato o video na iyon.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Kung ibabahagi ng isang pribadong user ang isang litrato o video sa isang social network (katulad ng Twitter, Facebook, Foursquare at iba pa) gamit ang Instagram, makikita ang larawan sa network na iyon at magiging aktibo ang permalink. Sa madaling salita, ang litrato ay mapupuntahan sa publiko ng sinuman na may access sa direktang link o URL nito.

Tandaan na ang pagbabahagi ng isang litrato o video sa isang social network ay hindi nangangahulugan na makikita ang larawang iyon sa Instagram. Lalabas pa ring pribado ang iyong account sa mga hindi inaprubahang tagasubaybay, katulad ng makikita sa screenshot sa ibaba.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Maaari mong i-block ang isang tao upang itigil silang subaybayan ka. Alamin pa ang tungkol sa pag-block ng mga tao.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Kapag na-tap ng isang tao ang Subaybayan (Follow) sa iyong Instagram profile, nagpapakita kami sa kanila ng mga mungkahi ng mga katulad na profile na maaari rin nilang magustuhang subaybayan. Kung ayaw mo ng mga ganitong pagrerekomenda sa iyong profile, maaari kang hindi sumali dito. Tandaan na ang hindi pagsali sa pagmumungkahi ng ibang mga tao sa iyong profile ay nangangahulugan na hindi ka rin lalabas bilang isang mungkahi sa profile ng isang tao.

Para hindi sumali:

  1. Mag-log in sa instagram.com mula sa isang desktop computer
  2. I-click ang iyong litrato sa profile sa itaas na kanan at pagkatapos i-click ang I-edit ang Profile (Edit Profile)
  3. Alisin ang check sa kahon na katabi ng Mga Mungkahi ng Katulad na Account (Similar Account Suggestions) at pagkatapos i-click ang Isumite (Submit)
Nakatulong ba itong kasagutan?

Pagkapribado ng Instagram sa Web

Ang iyong mga larawan ay maaaring lumabas sa mga resulta ng paghahanap sa Google kung naka-log in ka sa iyong account gamit ang isang web viewer, na nagpapahintulot sa mga ito para ma-access ang iyong profile at mga larawan. Ang mga site na ito ng ikatlong partido ay ginawa sa aming API at hindi direktang kaanib ng Instagram.

Kung ayaw mong lumabas ang iyong mga litrato o video sa Google, iminumungkahi naming bawiin ang access sa website ng ikatlong partido o i-set ang iyong account sa pribado. Maaaring medyo magtagal ang mga site na ito at ang Google na i-reindex at alisin ang mga larawan, kahit na tinanggal mo ang iyong account.

Kung kailangan mong makipag-ugnayan sa app na nagpapakita sa mga litrato mo sa Google para mapabilis ang proseso, narito ang mga link sa mga pahina para sa suporta para sa mga sikat na serbisyo ng ikatlong partido na gumagamit sa aming API:

Ang Instagram ay hindi direktang nauugnay sa mga app ng ikatlong partido na gumagamit ng aming API tulad ng mga web viewer, mga application sa desktop, o mga serbisyo sa pag-print ng larawan at hindi ka namin matutulungan sa pagpapabilis ng proseso para alisin ang anumang mga larawan sa Instagram na maaaring lumabas sa Google.

Maaari ka rin makahanap ng karagdagang impormasyon sa pag-alis ng isang pahina o site mula sa mga resulta ng paghahanap sa Google.

Nakatulong ba itong kasagutan?