Pag-block sa Mga Tao

Kapag nag-block ka ng isang tao, hindi nila makikita ang iyong profile o mga post. Para i-block o i-unblock ang isang tao:

  1. I-tap ang kanilang username para buksan ang kanilang profile
  2. I-tap ang (iPhone/iPad), (Android) o (Windows Phone)
  3. I-tap ang I-block ang User (Block User)

Para i-unblock ang isang tao, sundin ang mga hakbang sa itaas at pagkatapos i-tap ang I-unblock ang User (Unblock User).

Kung hindi mo mahanap ang taong gusto mong i-block o i-unblock, maaaring tinanggal na nila ang kanilang account o maaaring hindi mo nakikita ang kanilang profile.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Bilang default, maaaring makita ng sinuman ang iyong profile at mga post sa Instagram. Maaari mong gawing pribado ang iyong mga post sa Instagram app para mga aprubadong tagasubaybay lang ang makakakita sa mga ito. Sa ngayon ang mga post ay hindi maaaring ma-set sa pribado mula sa isang desktop computer.

Para i-set ang iyong mga post sa pribado:

iOS

  1. Pumunta sa iyong profile sa pamamagitan ng pag-tap sa sa ibabang kanan ng app.
  2. I-tap ang I-edit ang Iyong Profile (Edit Your Profile) na katabi ng iyong litrato sa profile.
  3. I-on ang setting ng Pribado ang Mga Post (Posts are Private) at pagkatapos i-tap ang Tapos na (Done).

Windows Phone

  1. Pumunta sa iyong profile sa pamamagitan ng pag-tap sa sa itaas na kanan ng app.
  2. I-tap ang I-edit ang Profile (Edit Profile) na katabi ng iyong litrato sa profile.
  3. I-on ang setting ng Pribado ang Mga Post (Posts are Private) at pagkatapos i-tap ang check mark para i-save ang iyong mga binago.

Android

  1. Pumunta sa iyong profile sa pamamagitan ng pag-tap sa .
  2. I-tap ang I-edit ang Iyong Profile (Edit Your Profile) na katabi ng iyong litrato sa profile.
  3. I-on ang setting ng Pribado ang Mga Post (Posts are Private) at pagkatapos i-tap ang check mark sa itaas na kanan para i-save ang iyong mga binago.

Mga bagay na dapat tandaan tungkol sa mga pribadong post:

  • Ang mga pribadong post na ibinabahagi mo sa mga social network ay maaaring makita ng publiko depende sa mga setting sa pagkapribado para sa network na iyon. Halimbawa, ang post na ibinabahagi mo sa Twitter na naka-set sa pribado sa Instagram ay maaaring makita ng mga tao na makikita ang iyong mga post sa Twitter.
  • Kapag ginawa mong pribado ang mga post mo, kakailanganing magpadala sa iyo ng mga tao ng isang kahilingan sa pagsubaybay kung gusto nilang makita ang mga post mo, ang listahan ng iyong mga tagasubaybay o ang listahan ng mga sinusubaybayan mo.
  • Makikita mo ang mga kahilingan sa iyong News tab na maaari mong aprubahan o balewalain.
  • Maaaring direktang magpadala ng litrato o video sa iyo ang mga tao kahit na hindi ka nila sinusubaybayan.
Nakatulong ba itong kasagutan?

Kapag nag-block ka ng isang tao, ang taong iyon ay hindi makikita ang iyong mga litrato o video o mahahanap ang iyong profile sa Instagram. Hindi inaabisuhan ang mga tao kapag na-block mo ang mga ito.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Oo, maaaring banggitin ng taong na-block mo ang iyong username sa Instagrarm at ang pagbanggit na ito ay lalabas sa iyong News tab. Kung iba-block mo ang isang tao at pagkatapos papalitan mo ang iyong username, pipigilan nitong ma-@mention ka nila.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Maaari mong iulat ang mga mapang-abusong post na ipinadala sa iyo sa pamamagitan ng pag-tap sa (iPhone at Windows Phone) sa ibabang kanan ng post o(Android) sa itaas na kanan ng post at pagkatapos piliin ang Iulat na Hindi Naaangkop (Report Inappropriate).

Kung ayaw mong padalhan ka ng post ng isang tao, i-tap ang tatlong tuldok at pagkatapos piliin ang Balewalain ang mga post mula sa user na ito (Ignore posts from this user). Maaari mo rin i-block ang taong iyon.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Pagkatapos mong i-block ang isang tao, hindi aalisin ang kanilang mga paggusto at komento mula sa iyong mga litrato at video. Maaari mong tanggalin ang kanilang mga komento mula sa mga post mo.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Kung ikaw at ang taong na-block mo ay mayroong parehong mga tagasubaybay, makikita pa rin ng na-block na tao ang iyong mga paggusto at komento sa mga post ng mga tagasubaybay na iyon.

Nakatulong ba itong kasagutan?