Ang mga video na naka-time lapse ay pinapabilis para magpakita ng mas mahabang footage sa mas maikling oras. Halimbawa, maaari kang mag-record ng sumisikat na araw at gamitin ang time lapse para ipakita ang lahat ng iyong footage sa mga segundo.

Para kumuha ng video sa Hyperlapse:

  1. I-tap ang bilog sa ibaba ng app. Habang nagre-record, makakakita ka ng timer sa kaliwa na nagpapakita kung gaano kahaba ang pagre-record mo at isang timer sa kanan na nagpapakita kung gaano magiging kahaba ang video mo kapag pinabilis ito.
  2. I-tap muli ang bilog para itigil ang pagre-record.
  3. Gamitin ang slider para pumili ng bilis para sa video mo. Bilang default, ise-set sa 6x ang bilis.
  4. I-tap ang checkmark sa may kanan sa itaas para i-save ang video sa camera roll ng iyong device. Kapag kumukuha ka ng video na naka-time lapse sa Hyperlapse, aayusin kaagad ang iyong footage para bigyan ito ng parang pelikulang hitsura.
Nakatulong ba itong kasagutan?

You can use your front-facing camera to shoot a video of yourself. Tap to switch the camera to front-facing (“selfielapse”) and if you change your mind, tap it again to return to regular Hyperlapse. Keep in mind that you can’t switch between selfielapse and Hyperlapse while recording a video.

Upgrade or download Hyperlapse in the App Store.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Sa ngayon, magagamit mo ang Hyperlapse sa mga device na may iOS 7 at pataas (iPhone 4 at pataas, iPad at 5th generation na iPod Touch).

Nakatulong ba itong kasagutan?

Maaari kang kumuha ng isang video hangga't gusto mo, depende kung gaano karaming espasyo ang mayroon ka sa iyong device.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Pinapayagan ka ng Hyperlapse na pumili ng iba't-ibang bilis. Bilang default, naka-set sa 6x ang mga video. Ang isang 6x na bilis ay nangangahulugan na ang Hyperlapse video mo ay magiging 6 na beses na mas mabilis kaysa sa orihinal na pagkaka-record nito. Halimbawa, ang isang 60 segundong video na nasa 6x ay magiging 10 segundo ang haba pagkatapos ng pagbilis nito.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Pagkatapos i-save ang video, i-tap ang Ibahagi sa Instagram (Share on Instagram) para i-post ito sa iyong Instagram account. Tandaan, ang mga video sa Instagram ay maaaring maging hanggang 15 segundo ang haba at lalabas ito sa isang parisukat na ayos.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Kapag nagse-save ka ng video sa Hyperlapse, pumupunta ito sa camera roll ng iyong device. Maaari mong ibahagi ang video mo sa ibang mga site sa pamamagitan ng pag-upload ng video mula mismo sa iyong device.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Hindi ka maaaring mag-edit o magdagdag ng mga filter sa video mo sa loob ng Hyperlapse app.

Nakatulong ba itong kasagutan?