Paano ako maglalagay ng mga filter sa aking litrato?

Kapag nakakuha ka na ng litrato o pumili ng isa mula sa telepono o tablet mo, maaari mo itong ma-edit sa pamamagitan ng paglalagay ng mga filter:

  1. I-tap ang filter na gusto mong ilagay.
  2. I-tap muli ang filter kung gusto mong dagdagan o bawasan ang filter gamit ang slider. I-tap ang checkmark para i-save ang binago mo.
  3. I-tap ang Susunod para magdagdag ng caption at lokasyon at para ibahagi ang iyong litrato.
Nakatulong ba itong kasagutan?