Pagiging Pamilyar sa Instagram

Mga Pangunahing Kaalaman sa Instagram

Tinutulungan ka ng screen sa pag-sign in na gumawa ng bagong account o mag-sign in sa isang umiiral na account. Maaari mo rin mabawi ang iyong password sa pamamagitan ng pag-tap sa Mag-sign In at pagkatapos Nakalimutan mo ba ang Password?

Nakatulong ba itong kasagutan?

Maaari mong mapuntahan ang iyong account sa web sa pamamagitan ng pagpunta sa instagram.com at mag-log in gamit ang iyong Instagram username at password. Alamin pa ang tungkol sa mga profile sa web.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Mag-navigate sa App

Ipinapakita sa iyo ng Profile tab ang iyong bio at mga post sa Instagram. Dito mo rin maaaring ma-edit ang impormasyon sa iyong profile at ayusin ang mga setting ng iyong account.

Pumunta sa iyong profile sa pamamagitan ng pag-tap sa sa Android o sa iPhone at Windows Phone. Alamin pa ang tungkol sa Profile tab.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Pinapayagan ka ng Camera tab na kumuha ng mga litrato sa camera ng Instagram o magbahagi ng mga litrato mula sa library ng iyong telepono. Alamin pa ang tungkol sa Camera tab.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Gamitin ang Explore para maghanap ng bago at interesanteng tao na susubaybayan, maghanap ng ibang mga Instagrammer at mag-explore ng mga hashtag. Alamin pa ang tungkol sa Explore tab.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Ipinapakita ng Home tab ang feed ng mga litrato na na-post mo at ng iyong mga kaibigan. Maaari mong gustuhin at komentuhan ang mga litrato sa iyong Feed. Alamin pa ang tungkol sa Home tab.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Ang iyong News tab ay nagpapakita ng mga paggusto at komento sa iyong mga sariling post, at pinahihintulutan kang makita ang mga litrato at video na gusto at kinokomentuhan ng mga kaibigan mo. Alamin pa ang tungkol sa News tab.

Nakatulong ba itong kasagutan?