Mga unang hakbang

Kung nakakaranas ka ng problema na hindi sakop ng aming Mga Kilalang Problema, mangyaring sundan ang mga hakbang na ito para sa pag-troubleshoot. Tandaan na kailangan mong siguruhin palagi na pinapatakbo mo ang pinakabagong bersyon ng Instagram app pati rin ang pinakabagong bersyon ng operating system ng iyong telepono o tablet bago gawin ang mga sumusunod na hakbang na ito:

I-restart ang iyong telepono tablet

Palaging subukan munang i-restart ang iyong telepono o tablet kung nagkakaproblema ka sa Instagram.

I-uninstall at i-install muli

Kung hindi makakatulong ang pag-restart sa iyong telepono o tablet, subukang tanggalin at i-install muli ang Instagram:

iPhone at iPad

  1. Mula sa Home screen, i-tap nang matagal ang icon ng Instagram app hanggang manginig ito.
  2. I-tap ang x sa app para tanggalin ito. Ise-save ng Instagram ang iyong mga litrato at impormasyon sa profile.
  3. Pumunta sa App Store, i-install muli ang Instagram at pagkatapos mag-log in gamit ang iyong username at password.

Android

  1. Pumunta sa Mga Setting ng iyong telepono o tablet at i-tap ang Mga Application (Applications) > Pamahalaan ang Mga Application (Manage Applications) > Instagram.
  2. I-tap ang I-uninstall.
  3. Pumunta sa Google Play Store, i-install muli ang Instagram at pagkatapos mag-log in gamit ang iyong username at password.

Tingnan ang koneksyon sa Internet

Kung hindi makakatulong ang huling dalawang hakbang, mangyaring subukang gamitin ang Instagram sa parehong Wi-Fi at mobile data na koneksyon mo para makita kung ang dahilan ng problema ay dahil sa isang mahinang koneksyon ng Wi-Fi o mobile data.

Wala pa ring suwerte?

Kung hindi malulutas ng mga hakbang na ito ang iyong problema, pumunta muli sa aming Mga Kilalang Problema. Kung hindi mo mahahanap ang iyong sagot doon, mangyaring iulat ang bug para masiyasat namin ito.