Masyadong maraming espasyo ang kinukuha ng Instagram sa telepono ko.

Mga Apple iOS na device
Mas ginagamit mo ang isang app, mas maraming espasyo ang kinukuha nito sa iyong telepono. Kaya kung mas ginagamit mo ang Instagram kaysa sa ibang mga app, malamang na kumuha ito ng higit na espasyo sa iyong telepono kaysa sa mga app na hindi mo madalas gamitin. Gayunpaman, awtomatikong nire-reset ng iyong telepono ang espasyo para sa storage na ginagamit ng app bawa't linggo, kaya hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa unti-unting paglaki ng storage para sa anumang app sa katagalan.

Kung gusto mong manu-manong bawasan ang dami ng espasyo na kinukuha ng Instagram, maaari mong tanggalin at muling i-install ang app (mase-save ang iyong mga litrato at data ng profile).

Sa iOS, malalaman mo kung gaano karaming espasyo ang kinukuha ng Instagram sa iyong device sa pamamagitan ng pagbukas sa app ng Mga Setting at i-tap ang General (Pangkalahatan) > Usage (Paggamit) at hanapin ang Instagram sa seksyon ng Storage.
Android
Ang Android ay maaaring kumuha ng mas maraming internal memory kaysa sa ibang mga app sa iyong device dahil inilalagay namin sa cache ang mga litrato, na ginagawang mas mabilis ang karanasan sa Instagram para sa iyo at nagtitipid ng bandwidth (na nangangahulugan na hindi mo kailangang muling i-download ang mga litrato papunta sa network ng iyong carrier). Tandaan na simula sa v1.0.3, maaari mong i-install ang app sa SD card ng iyong device.

Sa Android, malalaman mo kung gaano karaming espasyo ang kinukuha ng Instagram sa iyong device sa pamamagitan ng pagsunod sa mga sumusunod na hakbang:
  1. Lumabas ng Instagram
  2. Buksan ang application ng Mga Setting sa iyong device > Applications (Mga Application) > Manage applications (Pamahalaan ang mga application) > Instagram
  3. Ang Kabuuang Storage ay nakalista sa screen ng Instagram.
Kung pipiliin mong I-clear ang data, iki-clear ang cache ng iyong pag-download. Ang pag-clear sa cache ay ire-reset ang memory para sa app.
Nakatulong ba itong kasagutan?