Paano ako gagawa ng Instagram account ko?

Ang Instagram ay isang mobile app na maaari mong i-download sa iOS at Android na mga telepono at tablet pati rin sa Windows Phone 8 at pataas. Maaari mong makita ang iyong mga post sa Instagram mula sa isang computer pagkatapos i-download ang app.

Para simulang gamitin ang Instagram:

  1. I-download ang Instagram app para sa Apple iOS mula sa App Store, Android mula sa Google Play Store o Windows Phone mula Windows Phone Store.
  2. Kapag naka-install na ang app, i-tap ang para buksan ito.
  3. I-tap ang Magrehistro gamit ang Email (Register with Email) para mag-sign up gamit ang iyong email address o Magrehistro gamit ang Facebook (Register with Facebook) para mag-sign up gamit ang iyong Facebook account.
  4. Kapag magrerehistro ka gamit ang email, gumawa ng username at password, punan ang impormasyon sa iyong profile at pagkatapos i-tap ang Tapos na (Done). Kung magrerehistro ka gamit ang Facebook, hihilingin sa iyong mag-sign in sa iyong Facebook account kung kasalukuyan kang naka-log out.

Matutunan kung paano kumuha ng litrato, mag-record ng video at i-explore ang Instagram.

Nakatulong ba itong kasagutan?