Paano ko aalisin ang aking mga larawan mula sa paghahanap sa Google?

Ang iyong mga larawan ay maaaring lumabas sa mga resulta ng paghahanap sa Google kung naka-log in ka sa iyong account gamit ang isang web viewer, na nagpapahintulot sa mga ito para ma-access ang iyong profile at mga larawan. Ang mga site na ito ng ikatlong partido ay ginawa sa aming API at hindi direktang kaanib ng Instagram.

Kung ayaw mong lumabas ang iyong mga litrato o video sa Google, iminumungkahi naming bawiin ang access sa website ng ikatlong partido o i-set ang iyong account sa pribado. Maaaring medyo magtagal ang mga site na ito at ang Google na i-reindex at alisin ang mga larawan, kahit na tinanggal mo ang iyong account.

Kung kailangan mong makipag-ugnayan sa app na nagpapakita sa mga litrato mo sa Google para mapabilis ang proseso, narito ang mga link sa mga pahina para sa suporta para sa mga sikat na serbisyo ng ikatlong partido na gumagamit sa aming API:

Ang Instagram ay hindi direktang nauugnay sa mga app ng ikatlong partido na gumagamit ng aming API tulad ng mga web viewer, mga application sa desktop, o mga serbisyo sa pag-print ng larawan at hindi ka namin matutulungan sa pagpapabilis ng proseso para alisin ang anumang mga larawan sa Instagram na maaaring lumabas sa Google.

Maaari ka rin makahanap ng karagdagang impormasyon sa pag-alis ng isang pahina o site mula sa mga resulta ng paghahanap sa Google.

Nakatulong ba itong kasagutan?