Nagkakaproblema ako sa pagkonekta sa...

Facebook

Ang ilan sa mga Android na telepono, tulad ng HTC EVO 4G at ang HC Panache, ay mayroong mga kilalang problema sa pagkonekta sa Facebook. Tandaan na ang proseso ng pag-log in sa Facebook sa pamamagitan ng Instagram ay ganap na kontrolado ng Facebook.

Kung nagkakaproblema ka sa pag-log in sa Facebook para magbahagi ng mga post mo sa Instagram, malamang mayroong mga pansamantalang problema ang Facebook at gagana ito kung susubukana muli dito sa loob ng ilang oras.

Para sa mga patuloy na problema sa pagkonekta, iminumungkahi naming:

  1. Tanggalin ang parehong Instagram at Facebook app
  2. Alisin ang mga pahintulot ng Instagram mula sa iyong mga setting sa pagkapribado ng Facebook.
  3. I-download muli ang parehong app at subukang kumonekta muli sa Facebook sa pamamagitan ng Instagram
Nakatulong ba itong kasagutan?

Alam namin ang isang problema kung saan ang mga ibinahaging litrato sa Facebook ay lumalabas mga Timeline ng mga tao, pero hindi sa kanilang mga News Feed. Nakikipagtulungan kami sa Facebook para malutas ang problema.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Ang ilan sa mga taong nag-e-export ng mga litrato mula sa Instagram papunta sa kanilang Facebook Timeline ay na-set ang pagiging nakikita ng kanilang mga litrato sa Ako Lamang.

Maaari mong baguhin ang iyong mga setting sa pagbabahagi para mas maraming tao ang makakakita sa mga litrato mo.

  1. Hanapin ang Mga Setting sa ilalim ng dropdown menu sa itaas sa kanan ng anumang pahina sa Facebook.
  2. I-click ang Pagkapribado (Privacy) sa kaliwa.
  3. Pumunta sa Sino ang makakakita ng aking mga bagay? (Who can see my stuff?) at i-click ang I-edit (Edit) para baguhin ang mga setting ng iyong pagkapribado
Nakatulong ba itong kasagutan?

Inulat ng ilang tao na nakakakuha sila ng mga mensahe na puno na ang kanilang album sa Facebook para sa "Mga Litrato sa Instagram (Instagram Photos)" kahit na kaunti lang ang mga litrato sa album. Alam namin ang problemang ito at inaasahan na maayos ito sa lalong madaling panahon.

Samantala, maaari mong ma-edit ang pamagat ng album mula sa "Mga Litrato sa Instagram" at gawin itong iba. Sa susunod na magbabahagi ka ng litrato sa Facebook mula sa Instagram, gagawa ng bagong album ng "Mga Litrato sa Instagram" para i-upload mo dito ang iyong mga litrato.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Twitter

Kung nag-update ka kamakailan sa iOS 8 at nagkakaproblema sa pag-link ng iyong Instagram account sa Twitter, subukang idiskonekta at ikonekta muli ang iyong mga account:

  1. Buksan ang Mga Setting sa iyong telepono at pagkatapos i-tap ang Twitter
  2. I-tap ang iyong Twitter handle > Tanggalin ang Account (Delete Account)
  3. Buksan ang Instagram app
  4. Pumunta sa iyong profile at pagkatapos i-tap ang > Mga Setting sa Pagbabahagi (Share Settings) > Twitter
  5. Ipasok ang iyong username at password sa Twitter at pagkatapos i-tap ang Tapos na (Done)

Tandaan: Ang mga taong nakakonekta sa maraming Twitter account ay kakailanganing alisin ang lahat ng ito mula sa mga setting ng kanilang telepono bago ikonekta muli ang kanilang mga Twitter at Instagram account.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Kung lalabas ang maling username sa Twitter kapag may magbabanggit sa iyo sa Instagram, naka-link ang maling Twitter account sa iyong Instagram account. Para maayos ito, i-unlink ang Instagram mula sa Twitter, at pagkatapos tiyakin na naka-link ang tamang Twitter account sa iyong telepono. Pagkatapos i-link muli ang iyong Twitter at Instagram account.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Hindi nakikita ng ilang tao ang kanilang mga litrato sa Instagram sa seksyong Mga Kamakailang Imahe sa twitter.com. Naniniwala kami na isa itong bug sa bahagi ng Twitter at iminumungkahi na makipag-ugnayan ka sa kanilang support team para sa anumang mga update.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Tumblr

Kung mararanasan mo ang mga problema sa pagbabahagi ng mga post sa Instagram sa Tumblr, subukang ibahagi muli ang litrato sa pamamagitan ng pag-tap sa (iPhone at Windows Phone) o(Android) sa ilalim ng iyong litrato at piliin ang Tumblr.

Kung hindi ito gagana, subukang alisin ang pagka-link at i-link muli ang iyong Instagram at Tumblr account

  1. Pumunta sa iyong profile sa pamamagitan ng pag-tap sa sa Android o sa iPhone at Windows Phone.
  2. I-tap ang sa Android o sa iPhone para buksan ang iyong mga setting. Sa Windows Phone, i-tap ang sa ibaba ng screen at pagkatapos i-tap ang Mga Setting.
  3. I-tap ang Mga Setting sa Pagbabahagi (Share Settings) > Tumblr > I-unlink. I-tap muli ang Tumblr at ipasok muli ang iyong impormasyon sa pag-log in sa Tumblr.

Maghintay ng ilang minuto, at pagkatapos subukang ibahagi muli sa Tumblr ang iyong post. Dahil wala kaming anumang kontrol sa mga problema sa pagkonekta sa API ng Tumblr, mangyaring makipag-ugnayan sa support team ng Tumblr kung hindi ka pa rin makapag-log in. Maaari kang makipag-ugnayan sa kanila sa support@tumblr.com.

Nakatulong ba itong kasagutan?

Sa ngayon, maaari ka lang magbahagi ng mga litrato o video sa Instagram sa unang Tumblr account na ginawa mo gamit ang iyong impormasyon sa pag-log in sa Tumblr.

Kung gusto mong i-link ang iyong Instagram account sa isa pang Tumblr blog, kakailanganin mong tanggalin ang blog at iparehistro ito muli:

  1. Mag-sign in sa iyong Tumblr account, pumunta sa blog sa menu bar at pagkatapos i-click ang Mga Setting.
  2. Mag-scroll pababa sa pahina at i-click ang Tanggalin ang blog na ito (Delete this blog). Ilalabas nito ang pangalan ng iyong blog na irerehistro muli.
  3. Mag-log out sa iyong Tumblr account.
  4. I-click ang "mag-sign up" mula sa itaas sa kanang sulok at gumamit ng ibang email address at password, pero gamitin ang parehong pangalan ng blog.
  5. Kapag napili mo na ang blog bilang pangunahing account, mabubuksan mo na ngayon ang Instagram at mali-link ang iyong Tumblr account.
Nakatulong ba itong kasagutan?